7 Lift up your heads, you gates; be lifted up, you ancient doors, that the King of glory may come in. 8 Who is this King of glory? The Lord strong and mighty, the Lord mighty in battle. 9 Lift up your heads, you gates; lift them up, you ancient doors, that the King of glory may come in. 10 Who is he, this King of glory? The Lord Almighty — he is the King of glory. (Psalm 24:7-10)

DAILY DEVOTIONAL (1-28-2021)

7 Buksan n’yong mabuti ang mga tarangkahan, buksan ninyo pati mga lumang pintuan, at ang dakilang hari’y papasok at daraan. 8 Sino ba itong dakilang hari? Siya si Yahweh na malakas at makapangyarihan, si Yahweh, matagumpay sa labanan. 9 Buksan n’yong mabuti ang mga tarangkahan, buksan ninyo pati mga lumang pintuan, at ang dakilang hari’y papasok at daraan. 10 Sino ba itong dakilang hari? Ang makapangyarihang si Yahweh, siya ang dakilang hari! (Selah) (Awit 24:7-10)

Paliwanag

Gusto ng mga tao na magkaroon ng magandang buhay. Ngunit hindi nila nauunawaan na makakamtan lamang ito sa pamamagitan ng kaharian ng Diyos! Kapag Diyos ang naghahari sa ating buhay, pagpapala Niya ay siguradong mararanasan. Kaya lamang nagiging magulo ang ating buhay ay dahil tayo ang naghahari at hindi ang Diyos. Buksan natin ang ating mga puso at hayaan na makapasok ang tunay na Hari. Ito’y walang iba kundi ang makapangyarihang Diyos. Siya ang tunay na Hari ng lahat.

Gabay para sa Online Small Group Discussion

Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Awit 24:1-10).

Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):

1. Bakit karamihan sa mga tao ayaw kumilala sa paghahari ng Diyos sa kanilang buhay?

2. Ano ang ibig sabihin kapag Diyos ang naghahari sa ating buhay? Ano ang itsura nito?

3. Anong aspekto ng iyong buhay ang dapat mo ipasailalim sa paghahari ng Diyos? Bakit?

Tandaan: “Kapag tinanggap natin ang Diyos at ang Kanyang kaharian, pagpapala Niya’y ating mararanasan.” (“When we welcome God as King, we experience His blessing.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????

Paano gumawa ng Online Share Groups:

1. Manalangin sa Panginoon patungkol dito.
2. Mag-imbita ng mga kakilala at sabihin mo sa kanila na nais mong mag-umpisa ng Online Share Groups.
3. Kapag pumayag sila, magkasundo sa oras ng inyong pagtitipon online.
4. Kopyahin at ibigay ang link na ito ( https://rlcc.ph/devotional) sa kanila para mapakinggan nila ang daily devotional bago kayo magkita.
5. Magkita kayo online at pag-usapan ang inyong napakinggan gamit ang mga discussion questions. Ito ang gawin ninyong agenda: Eat Together, Share Together, at Pray Together (ESP Together).

For previous episodes, visit the following locations:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccph
3. RLCC website - https://rlcc.ph
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil