1 As a prisoner for the Lord, then, I urge you to live a life worthy of the calling you have received. 2 Be completely humble and gentle; be patient, bearing with one another in love. 3 Make every effort to keep the unity of the Spirit through the bond of peace. 4 There is one body and one Spirit, just as you were called to one hope when you were called; 5 one Lord, one faith, one baptism; 6 one God and Father of all, who is over all and through all and in all. (Ephesians 4:1-6)
DAILY DEVOTIONAL (2-19-2021)
1 Kaya’t ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. 2 Kayo’y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa’t isa. 3 Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo. 4 May iisang katawan at iisang Espiritu, kung paanong may iisang pag-asa na para doon kayo’y tinawag ng Diyos. 5 May iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo, 6 iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat. (Efeso 4:1-6)
Paliwanag
Ang uri at direksyon ng buhay natin ay nakasalalay sa paniniwala natin. Kung mali ang ating paniniwala, maapektuhan rin ang ating mga desisyon sa buhay. Kaya, kailangan unawain natin kung sino tayo kay Cristo. Kailangan ito ang maging batayan ng ating mga ginagawa dito sa mundo. Huwag natin sayangin ang pagkakataon. Tayo ay tinawag ng Diyos bilang mga anak Niya. Nawa ay mamuhay tayo nang ayon sa nararapat na paraan bilang mga tinawag ng Diyos.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Efeso 4:1-16).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Totoo ba na nabubuhay ang mga tao ayon sa kanilang paniniwala? Sa paanong paraan nakikita ito sa mga tao?
2. Bakit mahalaga na unawain natin kung sino tayo kay Cristo? Paano ito makakaapekto sa ating pamumuhay?
3. Ano ang gagawin mo ngayon bilang pagpapatupad sa natutunan mo?
Main Idea: “Ang buhay natin at paglilingkod ay dapat maging ayon sa kung sino tayo kay Cristo.” (“Our life and ministry must depend on our identity in Christ.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????
For current or previous episodes, visit the following locations:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccph
3. RLCC website - https://rlcc.ph
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil