17 As iron sharpens iron, so one person sharpens another... 5 Better is open rebuke than hidden love. 6 Wounds from a friend can be trusted, but an enemy multiplies kisses. (Proverbs 27:17, 5-6)
DAILY DEVOTIONAL (2-25-2021)
17 Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan… 5 Hindi hamak na mabuti ang harapang paninita, kaysa naman sa pag-ibig, ngunit ito’y lihim pala. 6 May pakinabang sa hampas ng tapat na kaibigan kaysa halik ng isang kaaway. (Kawikaan 27:17, 5-6)
Paliwanag
Kailangan natin ng mga kaibigan. Ngunit hindi lang kahit sinong kaibigan kundi mga tunay na kaibigan na tutulong sa atin para tayo ay patuloy na lumago at magbago. Ibinibigay ng Diyos sa atin ang mga tunay na kaibigan para sa ating kabutihan. Higit pa dito, nais ng Panginoon na maging tunay na kaibigan rin tayo sa iba. Kaya kailangan na palaguin natin ang ating mga relasyon sa kapwa upang matulungan natin ang isa’t isa sa paglago.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Kawikaan 27:17, 5-6).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ano ang pagkaunawa mo sa pagiging isang tunay na kaibigan?
2. Ano ang natutunan mo ngayon patungkol sa pagiging isang tunay na kaibigan?
3. Paano mo ito ipatutupad?
Main Idea: "Mahirap maging isang tunay na kaibigan ngunit tayo ay kanilang matutulungan." ("True friendship is challenging but they can help us grow.")
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????
For current or previous episodes, visit the following locations:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccph
3. RLCC website - https://rlcc.ph
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil