23 Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters, 24 since you know that you will receive an inheritance from the Lord as a reward. It is the Lord Christ you are serving. (Colossians 3:23-24)

DAILY DEVOTIONAL (3-11-2021)

23 Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao. 24 Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo. (Colosas 3:23-24)

Paliwanag

Nakakalungkot makita na nasisisira ang mga relasyon ng mga tao sa isa’t isa. Umpisa sa tahanan hanggang sa lugar ng pinagtatrabahuan. Hindi nagkakaisa ang mga tao at hindi rin nagmamahalan. Ngunit, tayo ay niligtas at nililigtas ng Diyos hanggang ngayon upang maging daluyan tayo at halimbawa ng tunay na pagmamahal sa kapwa. Imbis na galit at hidwaan, nais ng Panginoon na makita sa atin ang tunay na pagmamahalan, umpisa sa ating pamilya, at ganuon rin naman sa mga katrabaho natin. Ang ating pananampalataya ay nakikita sa ating pakikipagrelasyon sa kapwa.

Gabay para sa Online Small Group Discussion

Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Colosas 3:15-4:1).

Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):

1. Bakit mahalaga na matutunan natin ang tamang paraan ng pakikipagrelasyon sa kapwa bilang mga mananampalataya?

2. Ano ang mga tamang paraan ng pakikipagrelasyon sa kapwa ayon sa natutunan natin sa talatang pinag-aralan natin?

3. Paano natin ito maisasagawa simula sa araw na ito?

Main Idea: “Ang ating pananampalataya ay nakikita sa ating pakikipagrelasyon sa kapwa.” (“Faith is seen in our relationships with others.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????

For previous episodes, check out the following locations:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccphil
3. RLCC website - https://rlcc.ph
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS
6. RLCC on Audible by Amazon - https://www.amazon.com/RLCC-Daily-Devotional/dp/B08K59N987 #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil