DAILY DEVOTIONAL (4-26-2021)

24 When the ten heard about this, they were indignant with the two brothers. 25 Jesus called them together and said, “You know that the rulers of the Gentiles lord it over them, and their high officials exercise authority over them. 26 Not so with you. Instead, whoever wants to become great among you must be your servant, 27 and whoever wants to be first must be your slave— 28 just as the Son of Man did not come to be served, but to serve, and to give his life as a ransom for many.” (Matthew 20:24-28)

24 Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. 25 Dahil dito, pinalapit ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay itinataas ang kanilang sarili bilang mga panginoon sa kanila, at ang kagustuhan ng mga nasa kapangyarihan ang siyang nasusunod. 26 Hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba, 27 at kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, ay dapat maging alipin ninyo. 28 Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.” (Mateo 20:24-28)

Paliwanag

Hindi masama ang mangarap na magkaroon ng pormal na posisyon ng pamumuno. Ang mahalaga lamang ay maging handa tayo sa sakripisyo na kinakailangan para matupad natin ang hangarin na ito. Dapat rin na magtiwala tayo sa proseso na pagdaraanan natin patungo sa pamumuno na inaasam natin. Ang Diyos ang magbibigay sa atin ng posisyon para sa pamumuno. Higit sa lahat, dapat maging handa rin tayo na maglingkod tulad ni Cristo na nag-alay ng Kanyang sarili para sa ikabubuti ng iba.

Gabay para sa Online Small Group Discussion

Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Mateo 20:20-28).

Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):

1. Ano ang damdamin mo patungkol sa paghahangad para mamuno? Masama ba ito o hindi?

2. Ano-ano ang dapat maging katangian ng mga taong nais mamuno?

3. Kung ikaw ang tatanungin, nais mo ba mamuno? Bakit oo o bakit hindi?

Main Idea: “Ang pamumuno ay paglilingkod sa kapwa nang may sakripisyo ayon sa kalooban ng Diyos.” (“Leadership is costly service to others according to God’s will.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????

Listen on the following platforms:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil/live
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccphil
3. RLCC website - https://rlcc.ph/devotional
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS
6. RLCC on Audible - https://www.amazon.com/RLCC-Daily-Devotional/dp/B08K59N987
7. RLCC on Twitter - https://twitter.com/rlccphil
8. RLCC Get Real App - https://app.rlcc.ph

Note: If you have prayer needs, go to https://m.me/rlccphil. Thanks! #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil